ELEHIYA SA KAMATAYAN NI KUYA
(Bhutan)
Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte
Hindi napapanahon!
Sa edad na dalawampu’t isa, isinugo ang buhay
Ang kaniyang malungkot na paglalakbay
na hindi na matanaw
Una sa dami ng aking kilala taglay ang
di-mabigkas na pangarap
Di maipakitang pagmamahal
At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok
Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga
Maniwala’t dili panghihina at pagbagsak!
Ano ang naiwan!
Mga naikuwadrong larawang guhit,
poster, at larawan,
Aklat, talaarawan, at iba pa.
Wala nang dapat ipagbunyi
Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na
Sa pamamagitan ng luha naglandas ang
hangganan, gaya ng paggunita
Ang maamong mukha, ang matamis na
tinig, ang halakhak
At ang ligayang di-malilimutan.
Walang katapusang pagdarasal
Kasama ng lungkot, luha, at pighati
Bilang paggalang sa kaniyang
kinahinatnan
Mula sa maraming taon ng paghihirap
Sa pag-aaral at paghahanap ng
magpapaaral
Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas
ay nawala
O’ ano ang naganap,
Ang buhay ay saglit na nawala.
Pema, ang immortal na pangalan
Mula sa nilisang tahanan
Walang imahe, walang anino, at walang
katawan
Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba,
ang
bukid ay nadaanan ng unos Malungkot na
lumisan ang tag-araw
Kasama ang pagmamahal na inialay
Ang isang anak ng aking ina ay hindi na
makikita
Ang masayang panahon ng pangarap.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento