Martes, Mayo 23, 2017

MGA KATULONG SA BAHAY

MGA KATULONG SA BAHAY
ni Vei Trong Phung
Salin sa Filipino ni Florentino A. Iniego
(Mula sa Vietnam)
Kabanata 6
Ang Liwanag ng Kalunsuran

Nang sumunod na gabi, bumalik ako sa bahaykainan. Sa oras na ito, sa halip na sabihing umakyat ako sa kuwarto sa itaas na dati kong tinutulugan, binulyawan nila ako. Ako raw ay isang bugaw, at ang matandang babaeng nagdala ng mga katulong ay di na nagbalik upang bayaran ang aking upa sa pagtulog.

Ngunit masuwerte pa nga raw ako ngayo’t pinayagang muling matulog dito sa tinatawag nilang lagusan, at pababalikin nila ang matandang babae upang magbayad ng upa.

Hindi na ako nakipagtalo sa kanila.

Tumuloy lang akong parang walang narinig. Nakatungo ang ulo at mabilis na dumaan sa kusina at
humantong sa patio na tinatawag nilang “lagusan.” Buti na lang, hindi ako nag-iisa. Higit sa sampung tao ang naroon. Nakahiga at nakaupo sa banig na nakalatag sa malalapad na tabla habang natatanglawan ng liwanag ng buwan. Tila tambakan ng tabla ng mga kahoy ang patio ng bahaykainang ito.

Walang maaninag na kariktan sa lugar na ito. Makikita sa paligid ang marumi, mataas, manipis na dingding, at bubungang nanlilimahid sa kaitiman. Sa kanang bahagi ay naroon ang kulungan ng manok, sa harap ay ang baradong kanal at ang alingasaw ng di-umaagos nitong pusali; sa kaliwa ay isang kubetang bukas para sa publiko. Nalungkot ako sa liwanag ng buwan.

Nang tumabi ako sa mga taong naroon, nakita ko ang tatlong batang nakasama kong matulog sa kuwartosa itaas dalawang gabi ang nakalipas. Di man lang mabanaag ang kalungkutan o pag-aalala sa musmos nilang mga mukha. Samantala, napakamiserable ng hitsura ng iba, sa damit pa lang nila’y sapat nang masaksihan ang paghihirap na kanilang dinaranas sa tanang buhay.

May isang kalbong napakaputla ng mukha. Ngunit dahil sa kabataan tila normal siyang pagmasdan, at tingin ko’y kalalabas lang niya ng ospital o bilangguan. Nakaupo siyang dinidilaan ang isang pirasong papel na nababahiran ng itim na sangkap. Noong una’y di ko alam ang kaniyang ginagawa, ‘yun pala hinihimod niya ang tira-tirang opyo.Ang isa nama’y may napakahabang leeg at may nakatapal na tatlo hanggang apat na gamut na plaster dito. Nakaupo siya at nakatingala, tulad ng isang astrologo na nagmamasid sa mga bituin. Ang ikatlong bata ay maingay na nagkakamot, at habang umuupo siya’y umuubo at dumudura. May isang matandang babae na maayos ang kasuotan ngunit walang kibo’t buhaghag ang pagmumukha. Nakaupo siyang hawak ang isang pamaypay na yari sa hiyas na kawayan na ipinapaypay sa mukha ng iba pa na tila kaniyang mga anak. Ang anim pang iba, na nakasuot ng gusgusing damit ng magsasaka, ay mahimbing na natutulog.

Di man lang ako pansinin ng sinuman sa kanila nang mahiga ako sa banig. Sigurado akong wala silang kapera-pera kaya nga’t dito sila nakatulog gayundin, tulad ng kanilang bulsa, wala ring laman ang kanilang tiyan. Samantala, ninais nilang tumigil dito, hindi dahil sa mabait ang may-ari ng bahay, kundi dahil puwede silang makalabas upang mamalimos at makabalik upang bumili ng pagkaing inihanda ng may-ari. At kung mayroon man silang nakulimbat, tiyak nakahanda ring bilhin ito ng may-ari. Hindi dahil sa nais ng may-ari na biglang gawing bahay ng kawanggawa ang kaniyang tahanan.

Sa kanilang hitsura ng pananamit, ang labintatlong ito ay hindi taga-siyudad. Galing sila sa probinsiya dahil wala silang mahanap na trabaho roon upang makakain nang dalawang beses sa isang araw. Sinisilaw at sinusuhulan sila ng siyudad. Nang umalis sila sa probinsiya, hindi nila alam na ito ang kanilang kahihinatnan. Tiwalang makakakita ng trabahong maipagmamalaki nila. Ibinilad ang kanilang mga sarili sa araw at sinuong ang ulan habang namamalimos ng pera o isang takal ng bigas bago makarating sa Hanoi.

Mahal kong mambabasa, isipin mo lang ang Hanoi: kalye bawat kalye. Isipin mo ang isang pagod na magsasakang naliligaw sa pasikot-sikot na siyudad. Bawat kalye’y may bahay, daanan, at eskinitang tila pare-pareho at walang katapusan. Isang magsasaka ang lakad nang lakad, napapagod, at tumitigil. Nagugutom siya ngunit walang makain, dahil wala siyang pera. Nais niyang magpahinga ngunit walang matuluyan, dahil wala siyang pambayad.

Pagod man siya, kailangan niyang sumulong. Magdahan-dahan man, hindi na siya makausad. At sa malas, di siya pinahintulutang tumigil sa siyudad, at kailangan niyang maglakad, pasok nang pasok sa bawat kalye, minsa’y paikot-ikot nang hindi alam kung saan pupunta. Pagdating ng interseksyon, nakakita siya ng kulumpon ng mga tao. Sa tingin niya’y taga-probinsya ang mga ito, tumigil siya. Isang mukhang matalinong matandang babae, na may gintong hikaw, at tila mayaman ang dating, ang kumaway, hudyat upang tumigil ang magsasaka. Malakas ang kanyang boses: “Hoy, saan ka pupunta, pagod na pagod ka? Gusto mo ba ng trabaho? Halika, dali!”

Natuwa ang magsasaka dahil nakasalubong siya ng isang taga-siyudad na handing makipag-usap. Ngunit para saan? Naawang binanggit ng babae na tutulungan siyang makahanap ng trabaho! Kaya, sa loob ng ilang araw, mayroon siyang makakain habang tumitigil sa pinto ng isang bahay-kainan o sa tabi ng isang sinehan. Kung tutuusin, ganito ang istorya ng lahat ng mga magsasaka. Ilang interseksiyon mayroon ang siyudad? Ilang trabaho ang nakalaan para sa sawing nilalang na nagnanais pumasok sa kalakal ng mga kasambahay? Ilan ang bilang ng ganitong trahedyang nagaganap bawat araw sa siyudad?

Ang labintatlong nilalang na ito ay katulad ng mga gamugamong nasilaw sa liwanag ng kalunsuran.

Pinatuloy sila ng tiwalang may-ari ng bahay-kainan sa isang sulok ng kaniyang tirahan. Sa araw, naroon sila’t nakahambalang sa kalsada. Habang naghihintay ng trabaho, unti-unti nilang ginagastos ang kanilang naitatabing pera. Kapag walang natira at wala pa ring trabaho, at walang madilihensiya, kinakailangan na nilang itaya ang kanilang buhay. Ang mga babae ay nasadlak sa pagbebenta ng laman at ang lalaki’y nakagagawa ng krimen. At ngayon, bago pa lumala ang kalagayan, sila’y nakahimlay at tahimik na naghihintay sa unos na darating.



162 komento:

  1. Bakit napunta sa tinatawag na lqgusan ang nag sasalaysay sa akda?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Dahil hindi sila nagbabayad ng upa

      Burahin
    2. Dahil hindi sila nagbabayad ng upa

      Burahin
    3. alin sa mga tauhan ang naibigan mo?bakit?

      Burahin
    4. Ano ang denotatibong kahulugan ng salitang itim?

      Burahin
    5. Ano ang naging bunga ng kanilang pakikipagsapalaran sa siyudad

      Burahin
    6. Sino po ang bida sa storya na ito?

      Burahin
    7. dahil hindi na nag pakita ang babaeng nag dala sakanya at wala syang pambayad ng upa

      Burahin
  2. Dahil hindi na nagbalik Ang matandang babae upang bayaran Ang upa sa kwartong dapat nyang tutulugan

    TumugonBurahin
  3. Mga tunggaliang nilalabanan ang isang gawain o trabaho

    TumugonBurahin
  4. Mga Tugon
    1. Ang nobela ay maaaring higit sa isa ang tunggalian

      Burahin
    2. Ito ay isang akda na nahahati sa kabanata at higit na nagiging kapanapanabik dahil sa mga nakapaloob na tunggalian.

      Burahin
  5. Mga Tugon
    1. Tunggalian lang po iyan. Kabanata 6. Mas marami pa po kapag binasa mo ang buong nobela

      Burahin
  6. patunayang nagpapakita ang binasa na akda ng katotohanan sa buhay?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. inilalarawan ng akdang binasa kung gaano kasaklap ang pamumuhay ng mga taong hindi pinalad na makapag-tapos ng pag-aaral.Kung ihahalintulad ito sa totoong pangyayaring nagaganap
      ,ay halos magkatulad lamang.Marami kang makikitang bata't matanda na nagbabakasakaling makahanap ng magandang kinabukasan sa lungsod.Ngunit sa kasamaang-palad ay hindi nila ito nakamit sa halip ay natuto silang mamuhay sa gilid ng lansangan at napilitang gumawa ng mga bagay na mali

      Burahin
  7. Wala yan sa aming libro

    TumugonBurahin
  8. Wala yan sa aming libro

    TumugonBurahin
  9. Wala yan sa aming libro

    TumugonBurahin
  10. Mga Tugon
    1. HAHAHAHAHAHAAHAHAHAHA true naman

      Burahin
    2. a͚n͚o͚ p͚o͚ a͚n͚g͚ y͚u͚n͚g͚ k͚a͚t͚o͚t͚o͚h͚a͚n͚a͚n͚,k͚a͚b͚u͚t͚i͚h͚a͚n͚,a͚t͚ k͚a͚h͚a͚n͚d͚a͚h͚a͚n͚ n͚i͚t͚o͚

      Burahin
  11. ano po yung kabutihan at kagandahan nito?😅

    TumugonBurahin
  12. Mula sa kwentong ito, Ano po ang isyung panglipunan na masasalamin sa akda?😅

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. basahin mo at unawain huwag kang tamad

      Burahin
    2. Oo nga wag kang tamad
      Basa pag may timee

      Burahin
    3. Ito ay ang kahirapanapan,kung kaya't gumagawa ng kahit anong paraan upang magkaroon ng pera pang tustos sa pangangailangan na minsan ay nauuwi pa sa paggawa ng kasamaan dahil sa kawqlqn ng trabaho.

      Burahin
  13. ano po ba Yung kabutihan at katotohanan
    Tyaka kagandahan

    TumugonBurahin
  14. Ano po ba kabutiha. Katotohanan at kagandahan Nita

    TumugonBurahin
  15. Sana lahat ng tao ay pantay pantay para wala ng mahirap at wala ng magugutom

    TumugonBurahin
  16. Saang akdang pampanitikan po nabibilang ito? Halimbawa po ba ito ng isang nobela?

    TumugonBurahin
  17. Mga Tugon
    1. same question. ano sa tingin mo ang nagsasalaysay jan amp wala akong maisip

      Burahin
  18. Alin dyan ang tauhan laban sa tauhan?

    TumugonBurahin
  19. Sino-sino po ba ang tauhan sa kwentong ito?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ang tagapagsalaysay,matandang babae,mga bata,13 na lalaki na galing probinsya at may ari ng lagusan

      Burahin
  20. haiii, ayan na ba yung buong version nyaaan? di yan buod or something? HAHAHAHA

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. You prolly know by now but no. Novels are divided into chapters and this is one of them. Kabanata 6 to

      Burahin
  21. thank u lods , hirap ng walang libro HAHAHA

    TumugonBurahin
  22. Mayroon pa bang panloloko na nangyayari sa kasalukuyan tulad ng nabasang akda?patunayan

    TumugonBurahin
  23. alin sa mga tauhan ang naibigan mo?

    TumugonBurahin
  24. Pa help nmn
    Mag lahad ng tatlong sitwasyon mula sa nabasang nobelang nabasa na nag papakita ng tao laban sa ssarili?
    Pahelp poo

    TumugonBurahin
  25. Ainn sa mga tauhan ang naibigan mo? Bakit?

    TumugonBurahin
  26. ano ang mga tunggalian at solusyon sa nobelang ito?

    TumugonBurahin
  27. Alin sa tauhan ang naibigan mo? Bakit?

    TumugonBurahin
  28. Kung ikaw ay may-ari ng paupahan, ano ang gagawin mo sa mga taong hindi nakabayad ng upa?

    TumugonBurahin
  29. Paano inilalarawan ng may akda ang kalagayang panlipunan sa kanilang bansa?

    TumugonBurahin
  30. Ano ang iyong pananaw kaugnay sa binasa?

    pahelp po thank you❤

    TumugonBurahin
  31. Anong uri ng panitikan ang akdang "Mga Katulong sa Bahay" ?

    TumugonBurahin
  32. ano ang nais ipabatid ng akda sa mga mambabasa? ipaliwanag.

    TumugonBurahin
  33. Alin sa mga tauhan ang naibigan mo? Bakit?

    TumugonBurahin
  34. Alin sa mga tauhan ang naibigan mo? Bakit

    TumugonBurahin
  35. Alin sa nga pangyayari ang nagpapakita ng tunggaliang tao Laban sa sarili?

    TumugonBurahin
  36. inilalarawan ng akdang binasa kung gaano kasaklap ang pamumuhay ng mga taong hindi pinalad na makapag-tapos ng pag-aaral.Kung ihahalintulad ito sa totoong pangyayaring nagaganap
    ,ay halos magkatulad lamang.Marami kang makikitang bata't matanda na nagbabakasakaling makahanap ng magandang kinabukasan sa lungsod.Ngunit sa kasamaang-palad ay hindi nila ito nakamit sa halip ay natuto silang mamuhay sa gilid ng lansangan at napilitang gumawa ng mga bagay na mali

    TumugonBurahin
  37. ano ang kahulugan ng sa araw ay naroon silat nakahambalang sa kalsada

    TumugonBurahin
  38. ipaliwanag ang suliraning kinakaharap ng mga tao sa lagusan?

    TumugonBurahin
  39. Mga tunggaliang tao vs sarili sa bahagi Ng nobelang "Ang liwanag Ng kalunsuran"
    Patulong lods

    TumugonBurahin
  40. Ano Ang positibong napagaralan tungkol sa kwento?

    TumugonBurahin
  41. Paano sila nasadlak sa ganoong kalagayan?

    TumugonBurahin
  42. Ilarawan ang tagpuan ng akda, paano sila napunta sa lugar na ito?

    TumugonBurahin
  43. Ano ang mga kabutihan at kagandahan ang naipakita sa kanilang kilos at pag uugali?

    TumugonBurahin
  44. Bakit kailangan suriin ang tunggalian SA akda? Mga katulong SA bahay ni vei trong phung?

    TumugonBurahin
  45. Ano ang naging suliraning na kinakaharap ng mga Tao sa laguran?

    TumugonBurahin
  46. ano ang mensahe ng paksang ito at ipaliwanag

    TumugonBurahin
  47. ano anong katotohanan ng buhay sa pamilya at lipunan ang nabakas sa kabanatang ito?

    TumugonBurahin
  48. aling bahagi ng akda ang nagpapakita ng kabutihan?

    TumugonBurahin
  49. Ano po yung kahagiwig na sitwasyon ng "Ang liwanag ng kalunsuran"?

    TumugonBurahin
  50. ano po yung sinoposis ng katulong sa bahay kabanata 6

    TumugonBurahin
  51. Mga katulong sa buhay ni vei Trong phuong

    TumugonBurahin
  52. Maglahad ng tatlong sitwasyon mula sa nobelang eto na nagpapakita ng tao laban sa sarili??

    TumugonBurahin
  53. Magbigay na mahahalagang impormasyon tungkol sa nabasang nobela(mga kasambahay)

    TumugonBurahin
  54. anong katangian ng ang ipinakita ng mga tauhan sa akda na dapat taglayin ng isang taong may pangarap sa buhay

    TumugonBurahin
  55. anong kabutihan at kagandahan naman ang naipakita nila sa kanilang pag kilos at pag uugali?

    TumugonBurahin
  56. Anong tinutukoy na lagusan dito? ndi ko magets

    TumugonBurahin
  57. isulat ang mga tunggalian nakapa loob sa nobela

    TumugonBurahin
  58. alin sa mga tauhan ang naibigan mo at bakit

    TumugonBurahin
  59. mayroon pa bang panloloko na nangyayari sa kasalukuyan tulad ng nabasang akda? patunayan.

    TumugonBurahin
  60. kung ikaw ang may ari ng paupahan, ano ang gagawin mo sa mga taong hindi nagbabayad ng upa?

    TumugonBurahin
  61. ano anong kaisipang ang iyong napulot sa akda

    TumugonBurahin
  62. bakit mahalagang pag aralan ang nobela?

    TumugonBurahin
  63. Sino sino ang mga tauhan sa kuwento?

    TumugonBurahin
  64. Paano sila nasadlaksa ganoong kalagayan?Anong uri ng pamumuhay mayroon sila sa lalawigan?Bakit pinili nilang suungin angsiyudad kahit walang kasiguraduhan?

    TumugonBurahin
  65. Ibig sabihin ng Di man lang mabanaag ang kalungkutan o pag-aalala sa musmos nilang mga mukha

    TumugonBurahin
  66. anong klaseng pamumuhay ang nararanasan ng mga tagaprobinsyang nasisilaw sa liwanag ng kalunsuran?


    TumugonBurahin
  67. ilarawan Ang mga tauhan sa akda at Ang tinatawag nilang lagusan saan sila nanunuluyan sa kwentong mga katulong sa bahay​

    TumugonBurahin
  68. ano ang iyong repleksiyon sa kwentong ito?

    TumugonBurahin
  69. Bakit sa kabilang kalagayan bakit hindi magawang umalis ng tagapag salaysay

    TumugonBurahin
  70. Bakit wlang tumutulong noon sa mga magsasaka?

    TumugonBurahin