Huwebes, Mayo 25, 2017

KONOTASYON AT DENOTASYON



KONOTASYON AT DENOTASYON

Ang haligi, ayon sa kahulugang denotasyon nito, ay isang poste o tukod na magdadala ng buong bigat ng isang gusali tulad halimbawa ng bahay, paaralan, ospital at iba pang inprastraktura tulad ng tulay.

Sa lipunang Pilipino, ang ama ay itinuturing na haligi (konotasyon) ng tahanan. Kung siya ay haligi ng tahanan, samakatwid, sa kanya nakasalalay ang buhay at kinabukasan ng kanyang buong pamilya na tulad din ng haligi, dito nakasalalay ang kaligtasan ng buong gusali.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento